Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/20

From Wikisource
This page has been validated.


— 17 —

Yaong letrang II, ay ang cahulugan
iná po ay dinguin at aquing tuturan,
ang Dios na Amá,i, caya nagpalagay
gloria,t, infierno na pag pipilian.

Ang tauo sa mundong inapó ni Eva
anomang ibiguin pahintulot niya,
cun caya nag lagay ay laang talaga
sucat pag palagyan pagdating nang ora.

At ang letrang a. bilang catapusán
cahulugan naman ay inyong paquingan,
pagdating nang arao na tayo,i, hucumán
mayama,t, mahirap paparehong tunay.

Sa Dios ay uala na malaqui,t, muntic
at ualang marunong ualang ignorantes,
uala namang Papa,t, ualang Cardenales
paparehong lahat pagdating nang guhit.

Naringig na ninyo lahat cong binaybay
di na dapat yata na aco,i, mag-aral,
hindi macasagót iná,i, natiguilan
at pauang totoo ang manga sinaysay.

Ani Juang Tamad umoui na cayo
sa bahay iná po,t, doo,i, ualang tauo,
houag pag pilitan na paalsin dito
at dito po namai, ualang basag-ulo.

Ang iná ni Juan tantong nagtataca
sa manga sinaysay tungcol sa cartilla,
ganitong cabata,t, di nag-aaral pa
ano,t, naalaman tanang significa.
JUAN TAMAD