Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/18

From Wikisource
This page has been validated.


— 15 —

Ang uica ni Fabio,i, salamat sa Dios
at sa hicayat co anác co,i, nasunod,
iyong tuturuan esposa cong irog
haringa,t, maalman cartilla,i, matalós.

Iiuan co cayo,t, aalis na muna
mag hahanap búhay na ating magasta,
icao na anác co,i, maquiquinig baga
houag mag susutil sa mahal mong iná.

Oó po amá co,t, tatalimahin co
mag papacasa quit na mag-aral aco,
haringa,t, loobin nang Poong si Cristo
na maguing Pari rin acong anác ninyo.

Sa sagót na yao,i, ga mapapangiti
ang amáng si Fabio niyong talumpati,
salitang may daguil at umaaglahi
sa manga magulang ay parang tagurí.

Sa casi,t, esposa ay napaalam na
tumungo sa dating paroronan niya,
nang quinabucasan niyong maumaga
si Jua,i, uala na at nacaalis na.

Si Sofiang iná,i, di na matahimic
mapanglao ang loob puputóc ang dibdib,
inantayan lamang amá,i, pacaalis
lumayas na nama,t, sa puló,i, nagbalic.

Naparoong agad at canyang tiningnan
dahilan sa hindi siya mapalagay,
dinatnan ang anác na nagugulaylay
sa oyaying kaguing na dating tulugan.