Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/16

From Wikisource
This page has been validated.


— 13 —

¿Oh bunsong anác co,i, baquit caya naman
cabutong iná moi, pinababayaan?
talastas mo aco na uala sa bahay
lagay ang loob co,t, ang casama,i, icao.

Ngayo,i, sumagót ca,t, ng maalaman co
lulan nang loob mo,t, mga guinugusto,
di paquinabangan icao nang iná mong
lauong nag aruga,t, nag pasupasuso.

¿Cundi ca mag silbi,t, mag lingcod sa amin
ano caya bagang iyong mararating?
búhay ang puhunan ng iņá mong guilio
saca ngayo,i, di mo siya gagantihin.

Tunghay ang muc-ha mo,t, matá ay isulyáp
sagutin mo aco nang nasa mo,t, hangad,
ang hiya at tacot siyang nag-aalal
caya di mangyaring bibig ay mabigcas.

Yayamang di ca rin sumagot sa aquin
malis cana dito, t, moui ca sa atin,
ang calooban mo ay iyong baguhin
at sa magulang mo,i, mag silbing magaling.

At houag ca ritong mag papalumagác
sa loob nang pulóng casucalang gubat,
tumatahan dito ay hayop na lahat
hindi ang para mong cay Cristong ovejas.

Di naman sumouay pagdaca,i, sumamą
Tamad na si Juan sa gusto nang amá,
pagdating sa bahay ang uica sa canya
anac co ay dinguin hatol cong lahat na.