Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/14

From Wikisource
This page has been validated.


— 11 —

Cung aquing hanapit, tingnan sa laroan
sa mga barcada batang caramihan,
ay hindi calaro uala,t, cung nasaan
loob co,i, agad na malulupay.

Babalic na acong puputoc ang dibdib
sa di pagcamalas sa anac tang ibig,
sa daluang mata co luha,i, nabalisbis
sa iyo esposo ay inihihibic.

Di co pag aanhin mana,i, isang arao
ang loob co,t, puso,i, di na mapalagay,
niyong matanghaling tatapat ang arao
oras nang pagcain dumating na naman.

Nasoc sa isip co,i, aquing susubuquin
pinag abangan co niyong macacain,
tica nang loob co ay aquing susundin
ang pinarorona,i, ng aquing malining.

Apac ta,i, nanaog ng macacain na
sumusunod acong na sa huli nya,
uala siyang malay at di naquiquita
naaman co yaon na tahanan niya.

May cahoy na Betis sanga,i, malalabay
sa loob nang pulo na pinalinisan,
sa cahoy na yaon siya ay nag lagay
manga baguing hagting parang oyayihan.

Ang sagot ni Fabio ¡oh Jesus na Ama!
ano caya,t, gayong ang anac tang sinta,
lulan niring dibdib at nasang talaga
papapag-araling capara nang iba.