Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/12

From Wikisource
This page has been validated.


— 9 —

Naquita ang cahoy na hinahantungan
sa loob nang puló na pinalinisan,
sadyang may oyayi na tinutulugan
sa cahoy na Betis doon nalalagay.

Ang uica nang iná ¡ay Juang anác co!
may sadya ca palá na tahanan dito,
¿ano bagang iyong guinagaua rito
ali,t, sino bagang dito,i, casama mo?

Anong naisip mo,t, nasoc sa acala
dito ca nalugmoc anong guinagaus,
talastas mo naman at hindi cailá
mahal na amá mo ay palaguing uala.

Nag-iisa aco,t, uala cundi icao
dapat casamahin sa gabi at arao,
icao naman bunsó ay sa toui lamang
na gustong cumain nonoui sa bahay.

Aco ay prano joh anác cong guilio!
nag tataglay aco sacuna,t, hilahil,
mahal na amá mo sa ati,i, uala rin
sa sang-lingo,i, minsan lamang cun dumating!

Saca icao namai, di co maasahan
palaguing uala cat, dito tumatahan,
mabuti nga rito,t, icao ay maaluan
mula ngayo,i, icao,i, Tamad na si Juan.

Di naman sumagót sa manga sinambit
sa iná,i, ang matá ay di maititig,
ang loob at puso niya,i, may panganib
na baca ang ina ay may dalang galit.