Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/8

From Wikisource
This page has been validated.


- 7 -


cay Francisco Saldua namang itinugon
si padre Burgos po ang ulo at autor.

  Siya,t, ualang iba ang pinanggalingan
ng gulong nangyari at pinagbuhatan
ito,i, sa matanto ng bunying General
sa galit ay umui na sa Malacañang.

  Magmula na niyong hindi na na suot
itong mga fraile sa linacad lacad
do on sa Palacio sila.i, nanaquiat
sa bunying General naquiquipag-usap.

  Ang iguiniguit nila,i, ualang iba
si Burgos General ang ulo ng sala
si Mariano Gomez iyong icalaya
icatlo ng curang Jacinto Zamora.

  Na gang tatlong ito siyang naguing autor
sa gulong nangyari maraming umayon
na cung hindi mo po na ipapuputol
ang lahat ng ito,i, uusbo,t, uusbong.

  Cundi mo Layonin ang sunga,, cucalat
at ang mga dahon ay masambulat
ito ang susundin niyong mga bulag
na piquit na isip at mga didilat.

  Ipabitay mo po itong tatlong Pari
na ang masasama, i, ng hindi lumagui
cong mabuhay ito lalong mabubunyi
ang catagalugan quiavilarling hari.

  At ang icalava ang may mga pilac
na nagsi pag-aral cung tsusgin pantas
ipadalang lahat sila sa Marianas
at ng mapayapa itong Filipinas.

  Praile sino-sino uica ng General
yong marurunong ng iñong tipuran
ang tugon ng lahat na iyong malaman
aning sasabihin sampo ng pangalan.

  Si Parão ang una saca si Regidor
ang Gervasio Sanchez Mauricio de Leon
ito,i, paraparang mga marunong
na palang narapat cun di ipatapon.

  Ang taga Pandacan naman ay isama
na si Padre Justo at. Cureng dalaua
na sa Danta Cruz sa Quiapo ang isa
Agusting Mendoza at Jose de Guevara.