Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/36

From Wikisource
This page has been validated.


- 35 -


  Uica ng taniente o Curang marangal
cong gayan icao ay nilapastangan,
niyong si Adela di na nagpitagan
sa camahalan mo at sa alang-alang.

  Sa nangyaring ito sa Curang marilag
icao sa sarili huag mabagabag,
capag si Adela'y aquing nabatiyag
aco na ang siya na mag papahirap.

  Caya,t, ipabatid ng daquilang Cura
si Adela,i, nahan at saan pumunta
and sagot ng fraile dico natataya
ng aco,i, iuan patay ang capara,

  Malaqui ang aquing bilang hinanaquit
Cura sa ayos mo bagay na nasapit
Sumapayapa ca aco ang uusig
doon sa dalagang sa iyo,i, nagpasaquit.

  Sa arao at gabi hindi tatahanar
ipahaharap co sa lahat cong caual
Salamat teniente anang Cura naman
sa camahalan mo aco,i, paalam.

  Umuui na ang Cura na nagtutumuiin
ang teniente namin tinungo ang cuartel
ang tamang nangyari aquing lilisanin
estudianteng apat siyang sasalitin.

  Sa di kalaunan naman sa panahon
na sa cabunducan pagcatatahan doon
Sapagca,t, mapilac na di guinagahol
di mumunting tauo canilang natipon.

  At nang maipon na ang tauo,i, maayos
ang Maximo Tino ang punong sinunod
na siyang general bilang pag-uutos
catotong si Pedro coronel na bantog.

  At ang comandanteng bilang na nahalal
bayaning si Luis na cabalitaan
ina-alinsunod niyong tanang baual
yaong si Macariong sa tropa,i, capitan.

  Nang natitipon na ang caual na madla
itong si Maximo nama,i, nagsalita
manga catoto co sila,i, umunaua
sa sasabihing co na ilalathala.