Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/29

From Wikisource
This page has been validated.


- 28 -


  Ang sa cay Maximo na ipinahayag
paalam po cami Patricio nangusap
humayo na cayo sa arao ng bucas
coming mag-anac naman ay lalacad.

  Umalis ang apat bundoc ang tinungo
at sila,i, nag-ipon ng maraming tauo
ng na-aayos na a lilisanin co
ang panumbali an ang na iuang tatlo.

  Ng quinabucasan arao ng sumapit
ang mag-anac sa hihigan nagtindig
na cung cây lamang hindi na paalis
ang cadahilanan di nacaliligpit.

  At ang icalaua bilang nacahadlang
sa pag-alis nila di mag-aalmusal
lisanin co sila at ang pagbalican
nasapit ng Curang buhay na dinaanan.

  Na ang cabagayan sa nangyaring gusot
matay mang husayin hindi magcaayos
ito nga ang siyang sa isip umudioc
dahilan sa hiyang quinantan sa loob.

  Di mumunting tavo ang nacauunaua
ang sa cay Patriciong sa aquing guinaua
ang paca padre co,i, caniyang dinusta
at saca pa aco,i hinatag ng taga.

  Tunay at aco,i, nagnasang pag-ibig
sa anac niya,i, di co naman guinagahis
siya,i, quinausap at aco,i, namanhic
caracaraca na nagpaquitang galit.

  Sacaling minali ang aquing pagdaing
suyo sa pag-irog na di minagaling,
cung siya,i, may isip hindi dapat gauin
ang isang gaya co na lapastanganin.

  Guinawa sa aquin calapastanganan
niyong si Patricio tauong salangapang
pangaco co ito sa cailan paman
di mapapayapa cung di pagbabayaran.

  Cura,i, lumacad na sa galit na dala
ang cuartel ng Civil ang siyang pinunta
teniente sa pinto ay dinatnan niya
may hauac na libro nunupo sa silla.

  Nang anyong dudulog teniente,i, nagtindig
saca quinamayan ang Cura,i, lumapit
at saca tinanong anong bagay baquit
ang sa canang dangal dito,i, nacasapit.