Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/27

From Wikisource
This page has been validated.


- 26 -


  Ito caya baga,i, dapat na masabi
sa mga gaya co cung di itong fraile
sa catauan nila na minamaigui
ang caugalian ng pagcasalvaje.

  Anang Cura,1, ano ang na sa sa loob
sa ninanais co hindi ca sumagot,
fraile pa nilayin ang iyong caumpoc
nagbuhat sa mahal hindi sa busabos.

  Sa isinagot mo anang Cura naman
cung sa ganang aquin huag ca magdamdam,
batid mo,t, and fraile siyang nagtatangan.
ng capangyarihan ng tauo sa bayan.

  Caya,t, sa Convento sa arao na bucas
ina-asahan co ang mahal mong anac,
Patricio sa gayon sa galit na hauac
pumanhic ng bahay quinuha ang itac.

  At ng macuha na,i, nanaog na bigla
at saca ang Cura,i, hinatac ng taga,
lahat ng naroo,i, naualan ng diua
itong nagagalit inauat na cusa.

  Patricio, i, nangusap aco,i, huag auatin
nahan ang itac co ibigay sa aquin,
ng macapamulos aniyong hahataquin
ang Cura sa tacot nag tacbong matulin.

  Siya,i, nagtuluyan nanhic ng Convento
at ng naroroona,i, sinarhan ang cuarto,
-dahilan sa tacot at ang Ficalillo
na casama niya ay lumitolitó.

  Ang Curang tumacbo aquing lilisanin
itong si Maximo siyang sasalitin
capitang Patricio ano cayang dahil
nangyari sa iyo ngayon ay sabihin.

  Na baquit ang Cura iyong nacatalo
dinguin ninyong lahat tugon ni Patricio,
paano cayang icao lalagui sa mundo
cung macacausap mo ang caloobang aso.

  Talastas na ninyo mga piling mahal
na siya ay Cura nitong ating bayan
na cung caya dico pinaanyayahan
batid co ang ayos na caugalian.