Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/23

From Wikisource
This page has been validated.


- 22 -


  Marapat na gauin ng i ang binyagan
na sa lingo-lingo magsipagcompisal,
caming mga fraile ay may catungculan
magbigay patauad sa macasalanan.

  Ng sa cay Maximo ito,i, sa marinig
sa quinauupan pagdaca,i, nagtindig,
humacbang ng munti at saca lumapit
sa daquilang Cura at siya,i, namanhic.

  Di caya mangyaring maipagcaloob
ng Cura sa aquin na co,i, managot,
anang fraile nama,i, aquing pahintulot
Maximo,i, nangusap sinsay ca sa utos.

  Na ang camalian dito sa may pista
pinapagsisimba,t. hihingan ng misa,
basahin mo fraile ang na sa doctrina
sa aming binyagan na ipinamata.

  Sa doctrina aco,i, doon nanununton
naguing caraniwan na itinatanong
ninyong mga fraile ang Dios na poon
ipataya sa amin cung saan naroon.

  Ang agpang na sagot sa doctrina,i, lagda
Dios na sa langit Dios na sa lupa,
ang capangyarihan niyang masagana
ay na sasacaniyang lahat na nilic-ha.

  Baquit inutusan ang tauo,i, magsimba
hindi man nagsimba gagauin ang misa,
ninyong mga fraile ito,i, talaga
siyang nararapat catungculan nila.

  Na ang catuiran co,i, hindi man pumasoc
tavo sa simbahan sa misa,i. manood.
na sa sabahay man cun taos sa loob
paquiquinabangan ang aua ng Dios.

  Sapagca,t. ang tauong mga palasimba
madalas cun minsan na magbigay sala,
lalong-lalo na ang ibang dalaga
ang nivio ang siyang na sa ala-ala.

  Na hindi ang misa ang pinag-mamasdan
cung hindi ang sintang naguing catipanan,
siayang na sa loob na minamainam
na di magcauasto mga pagdarasal.