Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/21

From Wikisource
This page has been validated.


- 20 -
  Mga maguinoo,i, cayo,i, na uupu na
sa handang cacanin na na tatalaga
Maximo,i, nangusap silang mag-asaua
casaluhin cami sa anyaya nila.

  Nangagsiupo na at nagsabay-sabay
ang tanang panahin sampo ng may bahay
saca ng matapos Maxino,i, nagsaysay
nang isang salitang pinacamahusay.

  Pasasalamet po namin ualang hanga
cay guinoong Patricio at sa capitana
sumagot si Pedro anong dapat baga
maguing ganti namin bayad sa canila.

  Dapat ibalita ihayag sa bayan
cayong mag-asaua sa i ang mayaman
tumugon si Luis pagcainam-inam
ang patanao nilang aming naguing utang.

  Fagcaing magaling na aming linasap
uica ni Macario tunay at masarap
ngunit sa calooban na ipinatanyag
na uala isa man dapat na pumintas.

  Uica ni Maximo mga piling sama
anong dapat gauin dito sa may pista
ang tugon ng tatlo ang bunying Adela
ating papurihan sa ating cantora.

  Maximo,i, nangusap o piling hinirang
na caacbay naming naguing casamahan
di caya mangyaring inyong papurihan
ng cantang mainam ang may capiestahan.

  Tugon ng dalaua oo,t, gagauin
iyong ninanasang cantang hinihiling
na di mangyayari na di pairuguin
itong si Adelang sagana sa ningning.

  Hayo mga mahal sila,i, mag si tugtog
niyong nararapat saca cung matapos
sa cantang gagauin cayo ang umayos
tanang Estudiante nama,i, nag si sunod.

  Sumunod din naman ang magcacasare
tugtog ng guinava sagdal na gonamanda
ng matapos naman dalauang cantora
ang siyang cumanta inayusan nila.