This page has been validated.
Nanga ngingitina ang buco sa tangcay
at capayapaang bungang inaantay
nguni at hindi rin magcahusay-husay
sa manga catuiran na ibinibigay.
at capayapaang bungang inaantay
nguni at hindi rin magcahusay-husay
sa manga catuiran na ibinibigay.
Sapagca,t, hindi rin bilang na naampat
ang labo sa linao na bumabagabag
nasoc sa isip co aco,i, bumalangcas
niong na buhay libangan marapat.
ang labo sa linao na bumabagabag
nasoc sa isip co aco,i, bumalangcas
niong na buhay libangan marapat.
Doon nga nangaling sa Cabanatuan
ang pinag-ugnay cong buhay na mainam
sagana sa hayop at mga halaman
iquinabubuhay ng manga mamayan.
ang pinag-ugnay cong buhay na mainam
sagana sa hayop at mga halaman
iquinabubuhay ng manga mamayan.
Na sa bayang yaon na may mag-asawa
na mag casing ibig naca aya-aya
Patricio ang ngalan sa lalaquí badia
ang babae naman tawag ay Macaria.
na mag casing ibig naca aya-aya
Patricio ang ngalan sa lalaquí badia
ang babae naman tawag ay Macaria.
Mag asawang ito may dalagang anak
asal na mahinhin Adela ang tauag
ano pa, maraming binatang nanaquiat
nanagsisi ligao magagandang bicas.
asal na mahinhin Adela ang tauag
ano pa, maraming binatang nanaquiat
nanagsisi ligao magagandang bicas.
Wala at wala rin walang nangyayari
ang balang lumigao na cahit magsilbe
lalo,t dudulutan sa gauang pagcasi
itong si Adela,i, malaqui ang tangui.
ang balang lumigao na cahit magsilbe
lalo,t dudulutan sa gauang pagcasi
itong si Adela,i, malaqui ang tangui.
Ang lahat ng yaon sandaling lisanin,
na ang salitin co ang binatang anim
nguni yaong apat may dunong na angquin
na nagsipag-aral sa yaman nagising.
na ang salitin co ang binatang anim
nguni yaong apat may dunong na angquin
na nagsipag-aral sa yaman nagising.
Anim na nasabit pmiling magcatoto
sa bayan din yaon doon naguing tao
datapua,t, ang unang pinaca pang ulo
inaalinsunod itong si Maximo.
sa bayan din yaon doon naguing tao
datapua,t, ang unang pinaca pang ulo
inaalinsunod itong si Maximo.