Jump to content

Page:Buhay-na-pinagdaanan-ni-P.-Burgos-Mariano-Gomez-Jacinto-Zamora-at-ng-Capitan-Patricio-na-ama-ni-Adela compressed.pdf/17

From Wikisource
This page has been validated.


- 16 -
  Umalis ang dalaua na iuan ang apat
tanang gagamitin siyang iguinayag
at nang matapos na muli pang nangusap
dito cay Macario cantora,i, humanap.

  Ang gayac sa pista lisanin co muna
at ang salitiin co itong si Macaria
na sa cabihiyan na sa ala-ala
caya nga tinauag ang sintang asawa.

  Patricio con guilio baquit natitiguil
dian sa upu mo tila di mo pansin
tugon ng asawa sa ang dahil
sa mga panohin na dito, i, darating.

  Sa pagayong bagay sinta cong Macaria
huag can magalit bahala, i, aco na
pag-uusap nila,i, di caguinsa-guinsa
na siyang pagdating alila ng Cura.

  Alila, i, nangusap tangaping hinahon
ang sulat na itong padala ng among
cay Patriciong uica ano cayang layon
ng Cura,t, aco,i, sinulatan ngayon.

  Uica ni Macaria sulat ay basahin
at ng matalastas cung ano ang dahil
hangad niyong Cura Patricio nagturing.
sunod sa nasa mo ito,i, iyong dinguin.

  Capitan Patricio cayong mag-asaua
inaalayan co ng mga cumusta
ang sulat na iyan caya pinadala
sa inyo may nais na ipatataya.

  Pagca,t, panahon na naipagdiriuang
ang ating Patronong tangulang ng bayan
na nasa sainyong mga mayayaman
abuloy na dapat na inaasahan.

  Patricio,i, umiling sa nangyaring iyon
alila,i, halica sabihin mo ngayon
sa hiling ng na pilac na hangad ng among
ipadadale co sa bucas ng hapon.

  Caya hayo cana at ng hindi naman
na sa gagawin co icao macabalan
con gayon ang sagot ng bunying capitan
sa camabalan mo aco ay paalam.