Masasapantaha kaagad, na, lihim na naga- yuma ng isang Filibustero ang kapisanan ng mga makapraile at mga laban sa pag- kakasulong, upang, sa pag-alinsunod na walang malay sa mga udyok rig kanilang kalooban, ay makatulong at makapagpalu- sog doon sa imbot na iisang bagay ang linalayon palaganapin ang adhika ng Fili- busterismo sa boong bayan at panana- ligin ibang pilipino na walang ibang kaligtasan liban sa humiwalay sa Espana. Ferdinand BLUMENTRITT.
(*) Kung ihuhulog sa wikang tagalog ang salitang Filibusterismo ay lubhang hahaba ang pangalan ng aklat na ito at rnarahil ay mangyaring hindi pa mawatasan ng babasa, kaya't hindi na namin inihulog sa wika natin nguni't ilalagay naman ang katuturan o kahulugan ng salitang ito upang mabatid noong mga hindi nakaaalam ng kaniyang kahulugan.
FILIBUSTERO: Galing sa salitang ingles na freebooter; itinawag sa ilang mangdadambong na lumagusaw sa karagatang Antillas Ameriea, niyong 1700.— FILIBUSTERO din ang tawag sa mga taong nag-uusig na mapahiwalay sa Espana ang mga lupaing sakop nito sa kabila ng mga dagat, kaya't ang salitang Filibusterismo ay walang ibang kahulugan kun di ang adhikang pag-usigin ang paghiwalay sa nakasasakop.— P. ng T.