Jump to content

Huag Acong Salangin Nino Man/7

From Wikisource
Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose Rizal
Salin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez
356170Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose RizalSalin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez


Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang pagmumukhâ, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba[32] na napag-iwan sa escalafón[33] ng̃ Guardia Civil[34]. Bahagyâ na siya nagsásalita, datapuwa't matigás at maiclî ang pananalitâ.—Ang isá sa mg̃a fraile'y isang dominicong bata pa, magandá, malinis at maningning, na tulad sa canyang salamín sa matang nacacabit sa tangcáy na guintô, maaga ang pagca ugaling matandâ: siya ang cura sa Binundóc at ng̃ mg̃a nacaraang tao'y naguing catedrático[35] sa San Juan de Letran[36]. Siya'y balitang "dialéctico"[37], caya ng̃a't ng̃ mg̃a panahong iyóng nang̃ang̃ahas pa ang mg̃a anac ni Guzmang[38] makipagsumag sa paligsahan ng̃ catalasan ng̃ ísip sa mg̃a "seglar"[39], hindî macuhang malitó siya ó mahuli cailan man ng̃ magalíng na "argumentador"[40] na si B. de Luna[41]; itinutulad siya ng̃ mg̃a "distingo"[42] ni Fr. Sibyla sa máng̃ing̃isdang ibig humuli ng̃ igat sa pamamag-itan ng̃ sílò. Hindî nagsasálitâ ang dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang mg̃a pananalità.

Baligtád ang isá namáng fraile, na franciscano, totoong masalitâ at lalò ng̃ maínam magcucumpás. Bagá man sumusung̃aw na ang mg̃a uban sa canyang balbás, wari'y nananatili ang