Huag Acong Salangin Nino Man/23
Halos tamátacbo ang isáng táong masayá ang pagmumukhâ, pananamit filipino ang suot, at may mg̃a botones na brillante sa "pechera." Lumapit cay Ibarra, nakipagcamay sa canyá at nagsalitâ:
—¡Guinoong Ibarra, hinahang̃ad cong mákilala co pô cayó; caibigan cong matalic si Capitang Tiago, nakilala co ang inyóng guinoong amá ...; ang pang̃alan co'y Capitang Tinong, nanánahan aco sa Tundóng kinálalagyan ng̃ inyóng báhay; inaasahan cóng pauunlacán ninyó acó ng̃ inyóng pagdalaw; doon na pô cayó cumain búcas!
Bihág na bihág si Ibarra sa gayóng calakíng cagandahang loob: ng̃umíng̃itî si Capitang Tinong at kinucuyumos ang mg̃a camay.
—¡Salamat po!—ang isinagót ng̃ boong lugód.—Ng̃uni't pasasa San Diego po acó búcas ...
—¡Sáyang! ¡Cung gayo'y sacâ na, cung cayo'y bumalíc!
—¡Handâ na ang pagcain!—ang bigáy álam ng̃ isáng lingcod ng̃ Café "La Campana." Nagpasimulâ ng̃ pagpasamesa ang panauhín, bagá man nagpapamanhíc na totoo ang mg̃a babae, lalong lalò na ang mg̃a filipina.