Jump to content

Huag Acong Salangin Nino Man/19

From Wikisource
Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose Rizal
Salin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez
356182Huag Acong Salangin Nino Man ni Jose RizalSalin ni Pascual H. Poblete. Limbagan ni M. Fernandez


—¡Cayó pô namán, guinoong Laruja!—ang sinabi sa malambing na pagsisi ni Doña Victorinang nag-aabanico.—¿Paano pô bang matutuclasan pa ng̃ abang iyón ang pólvora, ay alinsunod sa sabi'y natuclasan na ito ng̃ mg̃a insíc na malaong panahón na?

—¿Nang mg̃a insíc? ¿Nasisirà bâ ang isip ninyo?—ang sabi ni Fr. Dámaso,—¡Tumahán ng̃â cayó! ¡Ang nacátuclas ng̃ paggawâ ng̃ pólvora'y isang franciscano, isá sa aming samahan, Fr. Hindî co maalaman Savalls, ng̃ siglong ... ¡icapitó!

—¡Isang franciscano! Marahil naguíng misionero sa China, ang párì Savalls na iyan—ang itinutol ng̃ guinoong babae na hindî ipinatatalo ng̃ gayongayon lamang ang canyang mg̃a isipan.

—Marahil Schwartz[84] ang ibig pô ninyong sabihin, guinoong babae—ang itinugón namán ni Fr. Sibyla, na hindî man lamang siya tinítingnan.

—Hindî co maalaman; sinabi ni Fr. Dámasong Savalls: walâ acóng guinawâ cung dî inulit co lamang ang canyang sinalitâ.

—¡Magalíng! Savalls ó Chevás, ¿eh anó ng̃ayon? ¡Hindî dahil sa isáng letra ay siya'y maguiguing insíc!—ang mulíng sinaysay na nayáyamot ang franciscano.

—At ng̃ icalabing-apat na siglo at hindî ng̃ icapitó—ang idinugtóng ng̃ dominico, na ang anyo'y parang sinásala ang camalìan at ng̃ pasakitan ang capalaluan niyong isáng fraile.

—¡Mabuti, datapuwa't hindî sa paglalabis cumulang ng̃ isáng siglo'y siya'y maguiguing dominico na!

—¡Abá, howag pô sanang magalit ang cagalang̃án pô ninyo!—ani párì Sibylang ng̃umíng̃itî.—Lalong magalíng cung siya ang nacátuclas ng̃ paggawâ ng̃ pólvora, sa pagca't sa gayo'y naibsan na niya sa pagcacapagod sa gayóng bagay ang canyang mg̃a capatíd.

—¿At sinasabi pô ninyo, párì Sibyla, na nangyari ang bagay na iyón ng̃ icalabíng apat na siglo?—ang tanóng na malakí ang nais na macatalós ni Doña Victorina—¿ng̃ hindî pa ó ng̃ macapagcatawáng tao na si Cristo?

Pinalad ang tinátanong na pumasoc sa salas ang dalawang guinoo.