Jump to content

Banaag at Sikat/Kabanata 3

From Wikisource
Banaag at Sikat (1906)
by Lope K. Santos
Kabanata 3:Salapi at Pawis
353050Banaag at Sikat — Kabanata 3:Salapi at Pawis1906Lope K. Santos
III

Salapi at Pawis

Si Don Ramón ay mabugnót - bugnót na ring paris ni Don Filemón . Nguni't ang kabugnután ay dî mápanibulos , pa- libhasà , sa mga pangangatwiran ni Delfín , ay may naáaninag din ang kanyang isip na iláng liwaywáy ng katotohanan . Malakí man ang ikinúkulabàng dilím sa kanyáng matá ng pagka- mayaman , ang pinag - aralan niyáng dunong ay napapakinabangan din sa mga úsapang iyón . Ang walâng kalatís na mğa ulos ni Delfín ay nakasúsugat na sa kanyá . Dátapwâ't kahiyâ- hiyâ namang totoo ang magtaas ng pulók sa mga pagtatalong gágayón lamang . Gasino na si Delfín sa nápag - aralan niyá sa mga tinatawag na cuestión económica at cuestión social ? Si Don Ramóng nakarating sa Europa ang mapagdáramihan ng salita ng isang musmós na sa likód man yatà ng Maribeles ay dî pa nakapaglalayág ? Siyáng nakapanood sa Barselona at sa iláng lalawigan ng Pransiya ng lalòng malalaking welga , na ang pagmamatigas ng mga mangagawà ay napapauwi lamang sa walâ ó sa bibitayán ? Siyá , na nakapagbasa ng mga Economía política nina Adam Smith , Ricardo , Neumann , Bastiat , at ng kayang- kaya niyáng kay P. Liberatore , ang makapagtútulot mataasán ng panaginip ng isang estudiante de Derecho lamang ?

Oh ! hindî ngâ lamang nakapag - médiko , ni abogado , nguni't marami siyang aklát sa bahay , na , kung ibig , ay mat útunghán tungkol sa mga pag - upa , sa mangagawà at sa mga karapatán ng Puhunan sa pakikisama sa Pag - gawâ . Aywán lang kun sa pag - iingat ng kanyáng aklatan ( biblioteca ) , ay nálalaman ni Don Ramón na iba ang magkaroon ng maraming libró sa bahay at iba ang magkaroón sa isip ng karunungan , gaya ng pagka- káibá ng mapunô ng sari - saring pagkain ang pámingalan at ng kumain ng taláb sa katawán...

Ang mga katwiran sa kanya ni Delfín ay dî na mga salitâ lamang ng isang mangagawàng bálana . Nagpapakilalang nag- bábasa ito ng mga aklát na naglalathalà ng dilang bagay ng Sosyolohiya. Sa sariling loób ni Don Ramón ay tinungayaw at nilaít ang kalayaan ngayon ng pagpapasok sa Pilipinas ng mga aklát na nasabi . At náibulóng : " Ah , sayang ang panahon ng kastilà ! Kung noón , sa dagat pa'y sinunog na disin ang mga kung ano- anóng libróng nápagkikitá ko ngayón sa Librería de Colón , sa Agencia Editorial, sa Manila Filatélico , sa kay V. Castillo atb . "

Sa wakas , ay hindî na nakatiís na dî punahin at sumangín ang gayóng mga nátututuhang paghahakà ni Delfín . Hindî na ang tungkol sa nagsiaklás sa págawàan nilá ni Don Filemón ang inungkát , kundî ang anya'y masasamang hingil ng batang katalo , mga hingíl na kundî mas úsugpô agád , ay inaakalà niyáng siyang magpapabuwáy sa mga kapanatagán ngayón ng pamu- muhunan sa Pilipinas .

–Delfín , Delfín !–ang may pagka- " salitâng - amá " na gina- mit ni Don Ramón .–Magdahan - dahan ka , madulás at matiník ang tinutungo mong iyán ! Ang mga mangagawà nati'y mala- yòng - malayò pa sa lagay ng mga mangagawà sa ibáng lupaing ginígitawan na ng mga sosyalista at anarkista . Ang pasahod at palagay sa mga magpapaupáng pilipino , ay makápupông mabuti kay sa upahán at pálagayan sa Alemanya man . Hindi apí rito ang mga mangagawa , kung nakita mo lamang ang kala- gayan ng mga mangagawàng kastilà , ruso at iba pa . Siláng yaón ang maaaring aralan ng mga doctrinas socialistas at anar- quistas . Nguni't tignan mo naman ang nagíging bunga sa kanilá ng nangásabing aral . Masasakláp na bunga , Delfín , mapapaít ! at lason sa mga mangagawà rin ! Magsabi ang mga patayan kung may welga silá , ang mga nakawán , lásingan , pangagagá sa mga babayi at pagkakamatay sa gútom . Huwág niyong ipahamak ang ating bayang totoong mapaniwalaín , hangál pa at napakákaladkád saan man dalhin ng malakás - lakás na agos 6 hihip ng hangin ! Pag ang iyong mga paghahakàng iyán ang napagdirinig ng mga mangagawà , ay lalò mong inud- yukán ang kanilang likás na katamaran ...

–Nálalaman pô ba ninyo kung bakit nasasabing tamád ang mga mangagawà natin ?–ang ipinatláng na mga salitâ ni Delfín .

–Hintáy ka , hintay ka ! Ang mga bagay na ito'y hindi makúkuha sa kapusukán ninyong mga batà . Saán , ninyó dádalhin ang bayan kung kayóng mga batà ang paíiyahan ? …… . Ang mga mangagawà nati'y híhingî ng hihingî ng mga karapatán at di na makaáalaala sa kanilang mga katungkulan . Marami pang bagay ang hindî nilá nálalaman . Marami riyáng magsubo na lamang ng kanin ay di pa marurunong , ¡ túturùan na ninyó ng mga ganyang kapalaluan , ng mga ganyang panaginip ng Sosya- lismo ! Ano ang muwáng ng mga mangagawàng pilipino sa tinatawag na Sosyalismo ?

–Kailangan ngâ pông ipakilala sa kanilá ......

Hindi man halos pinuná si Delfín , at kay Don Filemón humaráp , saká ipinatuloy ang pagsasalitâ :

–Akala nitong mga batà lahát ng makináng ay gintô ! Ha , ha , ha ! ... Anóng buti ng náisipan ng Gobierno Americano na nagpadala ng mga batà sa Amérika , upang doo'y makapagkitá silá ng mga katotohanan ng buhay ! Sayang ngâ , Delfín , at dî ka pa nápapa sa París ó Barselona man lamang . Nákita mo sana ang mga naghitik na bungang mapapaít saán mang dako ng Sosyalismo . Sa abâ ng mga mangagawàng pilipino ! ... Sa igi - iging dito'y walâ pang mga patay - gutom , ay ipípilit na ninyong ipasok ang mga aral na iyán . Iyán ba ang natututuhan ninyong pag - ibig sa tinubuang bayan at pag - ibig sa kapwa tao ?

***

Námulá - mulagát ang matá ni Delfín sa tungkós - tungkós na salitang pinalabás sa bibig ng matandâng kasagutan . Halos hindi na matiyák kung alin ang tútugunín .

Si Felipe namán sa batis , ay kátaón nang lumálabás nang pintô . Sa pagmamadalî'y sa labas na natapos ang pagsusuót ng amerikana , iniwan na ang abogado Yoyong at anyông humá- habol ng sálitâan . Anopa't bago nakasagot si Delfín ay na- kalapit muna siyá at nakapagbulóng dito ng : " Patátalo ka ba ? "

Samantala namán , ang mga ibang nakikinig ay nag - asám- asám sa maisása gót ni Delfín . Kung manók - manók lamang ang nangagtatalo , disin ay pinagkikíg na nilá sa buntót at ipinag- áruhan , upang mapanood ang tunay na manlulupâ at ang tunay na manlilipád . Ang kanilang akalà yao'y páligsahan lamang na gaya ng karaniwang pagtatalo ng mga mánanabóng kapag nagkakaharap - haráp sa káhigan .

Dapwa't sa ganáng kay Delfín ay malayò nang totoo sa biruán ó sa páligsahan lamang ang pag - uusap na iyón . Naku- kurò niyáng yao'y mga sandalîng dapat nang ipagluwál nğ kanyáng mga paghahakà tungkol sa Sosyalismo sa Pilipinas . Ang dalawang katalo ay kapwà mámumuhunán at ang ilang nakikinig ay kapwà niyá binatà ; anopa't nakuròng málao't mádali ay may pagkakaroonán din sa kaniláng gunitâ ang kan- yáng masasabing mga katwiran . Dahil dito'y tikís nang nilimot na si Don Ramón ay kanyáng pinan únuyùan , na si Don Ramón ay amá ni Meni ...

–Napasasalamat pô akó–ang malumanay na pasimulâ ng tugón–na magkaroon ng mga katalong gaya ninyó : matatandâ , marami nang araw na náranasan , lupàng nátuntungán at bagay na nápagkitá . Abót ko rin namang ang aking kákauntî pang nálalaman ay hindî súsukat upang sa inyo'y makapagpabagong akalà .

Dalawang panahón pô tayo : kayó ang kahapon , at kamí ang búkas : dito sa ngayón tayo nagkátagpô , kaya ang nakita at nakikita na lamang ang mapagpapatakaran ng mga paghahakà natin , at ang hindî pa nákikita , ay hindî . Ang kahapo'y inyong inyó , ang ngayo'y inyó pa rin , at kung bagamán may bahagi kamí sa ngayón , ay muntî lamang marahil . Nguni't inyó na sanang ipagparayâ sa mga batà ang paghahanda ng búkas na hindi na inyó kundî amin .

Masásabi ngâ ninyong ang bayang mangagawà natin ay hindi pa binabagayan ng mga aral ng Sosyalismo , dahil sa maka- liligalig lamang sa kanilá , kun sa bagay ay may makápupông buti sa kalagayan ng mangagawàng alemán , pransés , kastilà at iba pa . Nğunì , ¿ kailán pa iháhandâ ang pilipino upang maylakás na máisagupà sa nagbabalà sa kanyang bagong - panahón ng malalaking págawàan ó gran industria ? Antayin pa ba naming matatag na muna rito sa Pilipinas ang mga puhunang dayo , matibág na ang mga bundók - bundók na mina at mapa- sukan ng mga makina ang lahát ng mga pag - gawâ niyang iki- nabúbuhay ngayón ? Talagang hindi pa nga nálalaman ng mangagawàng pilipino kung ano ang tinatawag na Sosyalismo ; kaya naman itinúturò namin . Kami'y may mga sadyâng papulong na idináraos at dinádaluhán ng ilang mga mangagawàng hirang lamang Ang katuturán ng Sosyalismo ay di namin kinakain ni ipinakákain ng buô , kundî unti - untî . Ang aming pagsasapi - sapi ay hindi nagt úturò sa mangagawà ng katamaran , kundi ng pag - usig ng kanyang karapatán sa nagagawâ .

Hindi kailangan sa amin ang bumabâ pa ang halaga ng mğa upahan ng pagpapagawa , kun gaya man lamang sa Bél- hika , sa Inglaterra , sa Alemanya , sa Amérika , ay may mga kalu- wagán sanang nápapakinabang sa bayan ang mangagawà . May- roón man lamang sana ritong mga sadyâng kautusáng nagtá- tangól at nagkákalingà sa kanila kung naáapí't nápapahamak ; mga utos na nagbabawal ng masagwâng pagtataas ng halagá ng mga unang kailangan ng mahirap , at iba pa . Gayón din kun dito disi'y may mga sadyâng dágisunan ang mahihirap na mga tindahan at táhanang mura , aklatang - bayan , araláng- hanap - buhay , págamutang maluwág at iba pang mga kabu- hayang mura at libangang walâng bayad ni kátalunán .

Dito , na halos ang lahát na iya'y walâ , ¿ anó ang ikapagsá- sabi ninyong magaáng magaán na ang buhay nğ mangagawàng pilipino kay sa ibá ?

Saán man may mámumuhunán at mangagawà , maylupà at magsasaka , panginoón at alilà , mayaman at dukhâ , ang mğa aral ng Sosyalismo ay kailangan ; sapagka't diyán kailán man namúmugad ang pagkaapí ng mahihinà at pagpapasasà ng íilan sa dugo ng karamihan . Dito kayâ sa ati'y wala ng mga itó ? ...

–At anó ?–ang saló ni Don Filemón na totoóng dî na makabatá sa mga nápagdirinig niyang pag - upasalà sa mayaman- ¿ ang lagay baga'y kayó ang babago sa talagang lakad ng pana- hón , sa talagang tadhana ng Diyos sa mga nilikhâ ? Sapúl pa nang ang mundo'y mundó, ang pagkakáibá ng mga buhay ng tao ay talagang ganyán na , gaya ng kaibhán ng pulá sa putî , ng itím sa diláw . Ibig ba ninyong mga sosyalista na lahát ng tao'y maging mayaman na't panginoón ?

Si Felipe , na bagong kahahalò pa sa lupon , ay dî rin naka- batá sa sálitâan . Ang kanyang kaibiga'y nag - íisá at dalawang makulit na matandâ ang katalo . Sa loób pa ng batis , kayâ nakapagdali - dali na ng paliligò , ay nápagdiriníg din niya ang gayóng mga pag - upasalà sa mangagawà ng amáng - kumpil at ng kasamang si Don Filemón . Siya'y isáng mangagawà rin : manlilimbag sa pahayagang Bagong Araw : kaanib din sa " Kapi- sanan ng Pag - gawâ " na tinútuyâ - tuyâ ng dalawá : masipag at malulong na kasá - kasama ni Delfín sa mga papulong ng SOCIOLOGÍA niláng idináraos . Sa mga magkakasamang ito'y siyá ang pinaka may mapusók at mainit na kalooban . Pagkáriníg ng mga katatapos na salitâ ni Don Filemón , dalá ng kainitang itó , ay inagaw kay Delfín ang sagót , at sivá ang nagsalita ng walang maraming pasú pasubali :

–Hindi pô ganyán , Don Filemón , ang nais ng mga sosyalista , kundi isang bayang ni mayaman ni mahirap , ni panginoón ni busabos ay walâ : lahát ay mámumuhunán at lahát ay manga- gawà : lahát ng lupà , lahát ng ani , lahát ng gawâ , ay di arì ng íilán lamang , kundi arì ng lahát . Hindi paris ngayóng ang kayamanan at dilang ginhawa ay natatangì sa kamay ng ilán lamang ; samantalang ang karamiha'y siyáng nálulugamì sa karálitâan . Ngayón ang sa mayama'y sa mayaman na at ang sa mahirap ay sa mayaman pa . Ito pô ang inúusig ng mga tinatawag na sosyalista . Ang inúusig namán ng mga anarkista ay hindi lamang iyán , kundî patí ng mga GOBIERNO ; ayaw sila ng taong maykapangyarihan 6 punò sa kapwà tao . Bákit pô sásamâ ang mga layong iyán , ay siyáng talagang naáayon sa mğa katutubong matwid ng lahát ng tao ?

Nápatarak na lalong - lalò ang matá ni Don Ramón sa kanyáng ináanák sa kumpíl . Sa sarili'y náwikà ang : " Sa pakikipagsamá ng batang itó kay Delfín , ay isá pang mapapalunğî , isá pang magiging kampón itó ng mga kaululán ng Sosyalismo . " At nang di magkasya sa sarili , ay pinagsabihan din si Felipe :

–Diyatà ? patí na ba ikáw , Felipe , ay náhahawa sa sakít na iyán ? Hinarap ang mga ibáng kausap :

–Ahá ! ... Don Filemón , mğa ginoó , kayóng lahát , dapat ninyong matalastás na ako'y may ináanák nang sosyalista- anarkista , taga - pamanság ng bagong - buhay ! Oh , bagong buhay na walâ nang mayaman at mahirap ! ...

Sakâ sinundán ng isang pantuyâng halakhák , na ginayahan ng isa pang matandâ , patí namán nina Morales , Bentus at iba pa , máliban si Pepito na alangáng mápangitî at alangáng mápangangá sa pagkakamalas sa nagsisipangunót na noó nina Felipe at Delfín .

Si Felipe'y namutlâ , tinalbán agád ng paiwâng mga salitâ ng kanyang amáng - kumpíl . Ibig pa sanang sumagot , nguni't nápangunahan na ni Delfín , na , upang magamót ang gayóng masaklap na sandalî sa dalawang mag - ináamá , ay siyang nag- sauli sa naputol niyáng pagsasalitâ :

–Naáalaala ko , Don Ramón , ang isá pang winikà niyó , na , sa igi - igi't dito sa ati'y wala pang mga patay - gutom , ay imúmulat na ang mga mangagawà sa mga adhikâ ng Sosyalismo ...

–Siyang totoó !–ang maypatangô pang saló ng matandâ— Igiít ninyó rito iyán , at nang makita nating madali sa Pilipinas ang mga napagkitá kong kahabág - habág na buhay ng mga mangagawà sa ibang lupaín !

–Aywán ko pô , Don Ramón , kun ang ibig ninyong tukuyin sa tawag na patay - gutom ay iyán na lamang mga nawawalang bigla ng hiningá sa dî pagkain . Dátapwâ't ibigáy natin sa salitâng iyán ang tunay na ka- hulugán .

Patay - gutom din pô ang dapat itawag doón sa mga ináng sa kakulangan ng alagà , sa pagtirá sa mga dampâ , sa mga inís at gula - gulanít na táhanan , sa kasalatán sa mga pagkain , gamót , kasangkapan at iba pa , ay naghihirap , nangángayayat at untî- untî 6 biglang namamatay sa pagsisilang ó pag - aandukhâ ng bunga ng kanilang pag - ibig .

Patay - gutom iyáng mga sangól , na sa pagka - gising sa baníg ng dilang kasalatán , ay siyám na pû sa isáng daan nila ang di man nangakaíiláng araw , buwán ó taón , at napípitás sa ináng kandungan.

Patay - gutom ang yutà - yutàng batang anak ng mğa marálitâ , na nagsisilakí , nangagiging bagong - tao't dalaga , nangagkáka- asawa't tumátandâ nang di man nakábanaag ng mga ilaw ng dunong sa kasalatán ng buhay ; sapagka't sa mga " anák ng Diyós " na ito , kundi man masasabing lubhâ na gutóm ang kanilang katawán ó tiyán , ay gutóm namán ang pagkatao , palibhasa'y salát sa buhay at lakás ng pag - iisip , na totoong kinakailangan , hindî na upang makáulól , kundî nang huwág máulól man lamang ng mga tusong naglisaw sa bayan at huwag nang masipsip ng mğa lintang walâng habas sa dugô ng mahirap !

Ang dapat itawag ay patay - gutom din diyán sa mga libo- libong nabibilangô at pinapagdurusa ng mabibigát , hindî sa bigát ng sala , kundi sapagka't walâng mangáiupa sa abogadong sa kanila'y makapagtátangól , gaya ng pagtatangól at madalás na pananalo sa mga usapin ng mayayaman . At dî pô ba patay - gutom din iyáng mga taong - bayang binibigkís ng mga hukbo at ipinapain ng mga pámunuán sa mğa punlô ng kamatayang isinasabog ng alinmáng digmâ ? Ang mga pag - aari at kapangyarihan ng íilán lamang , ang kailan ma'y siyáng kauna - unahang sanhing ikinabubudlóng sa digmaan ng mga hukbóng buô ng mahihirap na taong - bayan . Gaano na ang iniúupa sa mga kawal upang pumatay at mápatáy ng kapwa tao at kapwà mahirap na kalaban ? Sa tawag ó alingaw- ngaw ng mga pakakak ng patriotismo ó pag - ibig sa sariling bayan , ay marami na ang nangagkukusàng masok sa hukbo kahi't kákaunti ang upang iyán : dapwà't di pangpatay - gutom ang kanilang nakakamtán , kundi ang tunay nang kamatayan .

Hindi mapangánganlán ng iba pa iyáng mga lalaki ó amáng naglálako at nagdúduro ng lakás at ng mga taong itátagál ng buhay , upang makagawâ at máupahan ng kaunting halagáng maipagtatawid sa sarili , sa asawa at kaánakan .

Patay - gutom din pô , G. Miranda , iyáng mga magbubukid na sa ilag mábaón sa utang sa mga kasamang maylupà , ay nangag- títiís nang magkaín na lamang ng mga bulaklak ng marurumíng lupà at bulók na kahoy , at nagsisitirá sa mga sulok ng gubat at parang upáng málayô sa mga kabayanan na kinákikitaan ng maraming bibilhin ay wala namang maibíbilí .

Ang lahat na iyán , Don Ramón , ay pawàng patay - gutom na matatawag , na dito sa atin , gaya sa mga ibáng lupà , kahapon at ngayón , ay saganà at siyáng karamihan.

***

Habang ang pagsasaysay na ito ay tinátapos ni Delfín , ang abogado Madlang - layon at si ñora Loleng ay nagkápanabáy pa mandín ng paglabás sa kani - kaniláng batis na páligûán . Náuna - uná ng kauntî ang paglapit ng abogado sa nangalúlupon . Ang buhok na gupít - pándisál ó alponsino , ay kin úkuskós - kuskós pa ng isang tualyang putî upang matuyo at mahating muli . Pag- kalingón sa kanya ng bíbiyananíng si Don Ramón , na noo'y nagpapagiwang - giwang sa kináuupáng silyang yantók - parang kalumbibít na lulutang - lutang sa tubig , walâng maawàng suma- gip ay tinignán siyá ng tinging may ibig sabihin waring : " Pa- rito ka't tulungan mo ako sa pagsugpo sa mga sosyalistang itó ! ”

Si ñora Loleng , na anaki'y isáng sasakyang pangdimâ ng mğa amerikano , kung walâng laban , balót ó blindado ang mulâ sa batok hangáng bintî ng isáng makapál at maputing kumot , nag- úusok sa bunganga ang isáng tabako na anaki'y sadyâng páusukán ( chimenea ) , ay susukláy - sukláy sa maikli , may pagkakulót at basâ niyáng buhók , na lumapit din sa nangaglílimpî . Isáng tinging pamulang ulo hangáng paá ang sa kanya'y ipinasalubong ni Don Ramón . At isáng tingin din namang may kahulugan ang kan- yáng itinugón . Waring nagkáwatasan na silá sa ibig sabihing : " Nakú , bagong paligò ka ! " at " Oo , sayang at náritó si Filemón ! "

Nang málinğunán siyá ni Don Filemón , na walâng kamalák- malák sa may kahulugáng tínginan ng dalawá : ni Don Ramón at ni ñora Loleng , ay kinawayán at tinanóng ng marahan :

–Ang mga batà , naliligò pa ba ?

–Nakú , ang mga batang iyán ! Nagkákaingay kayó rito , ang ngísihan namán at dî paliligò ang ginagawa nilá roón . Ka- ilán mangatátapos iyón agád : ngayon lamang nangaghihíluran ...

At pagkuwa'y naghagis ng isáng mainit na tingín kina Delfín at Felipe , sakâ nagtanóng sa asawa :

–Anó ba ang pinagsásasabí sa inyó ng mga musmós na iyán ? Batá na kayong makipagtalo sa mga maygatas pa ang bibig !

Sakâ binunot sa bibig ang halos upós nang tabako at waring nanlurâ pa muna , bago nasok sa isang silid - siliran ng kamalig , upang makapagbihis .

Sa gayon , ay nakahumá pa rin si Don Ramón , at ang pag- ngingitngit sa nangyayaring siyá ang naráramihan ng salitâ at di siyang makarami , ay pinaraán muna sa pagsisindí ng isang imperiales , saka nag - wikà :

–Ang mga kahirapang iyáng pinagsabi mo ay hindî káka- hapon ni ngángayón lamáng , kundî mápa - bukas at kailán man . Kung kailangan ang magkamayaman at magka - salapî dito sa lupà , sapagka't pag ang salapi ang nawalâ ang tao'y walâng magagawang anomán , ay kailangan din naman ang magkaroon ng mahihirap na sa pag - gawa ay máuupahan ng salapîng iyán . Nguni't hindi inúupahan ang di gumagawâ . Ang ibig mabuhay ay kailangang kumilos . Ang ayaw mamatay ng gutom ay huwag magtamád - tamaran . Ang kayamanan ay bunga ng kasipagan . Ang puhunan ay galing sa pagtitipíd . Ang pag- gawa naman ay katungkulan ng tao , palibhasà'y parusa sa kanyá ng Diyós mulâng magkásala si Eba't si Adán . Ang hangád ninyo'y huwag magíng mahirap ang pag - gawâ , ¿ may parusa bagáng ginhawa ?

–Ang ibig ng mga sosyalista - ang sabád ni Don Filemón- ay mábalík ang panahón ni Moisés : mabuhay sa nahuhulog na mand . Wals na pông maná ngayón ! ...

At sinundán ng isang tawang makagalit - dili , na nakapag- pasagót agád - agád kay Delfín nang :

–Laking pagkakamali ninyó ! Bagamán ang mga tunay mang sosyólogo ay di lubos na nangagkakáayon sa paghahakà tungkol sa Sosyalismo ; dátapwâ , ang lahat ay nagkakáisá kun sa bagay na iyán : ang lahat ay walang sagisag kundî ang kadakilaan ng Pag - gawa . Talagá pô namang ang pag - gawâ lamang ang yumáyarì at nakapagtatakip ng madlâng kailangan . Huwág niyóng sabihin , Don Filemón , ang maná . Kásakdalang mag- nais man ng ganyán ang mga mangagawà , ay hindi alangán ; pagka't silá , mulâ pa sa tiyán ng iná hangán sa kanin ng lupà , ay walang ibang baníg , walang ibáng sunong , pasán , kipkíp , bit bít , hila , sulong at iba pang gawâ , kundî kahirapan ! Kara- pat - dapat din namang makapaghangad ng hindi maná lamang , kundi ng higit pang ginhawa sa pagpapahingaláy . Dátapwâ't hindi naman ito ang nangyayari ! Inúusig ng mga sosyalista ang nangabúbuhay ng di gumagawâ : nagpapasasà at nagpá- paginhawa ng sarili sa pawis ng ibá . Sa pagkasawî ng Sangka- tauhan , ay marami ang nahihirapang iyán sa pagbibigay ng buhay na maginhawa sa íilán lamang . Ipinaáaninaw ng mga sosyalista na dapat nang tigilan ang pagbuhay sa mga dapo : ang gumagawa'y siyáng mabuhay at ang hindi ay mamatay .

–Oo , sa inyo'y ang pag - gawa na lamang !–ang patuyâng wika ni Don Ramón .

–At ang puhunan ?–isinambót agád ni Don Filemón .

–Ang puhunan pô'y hindi gumagawâ , kundi siyáng nag- pápagawâ , anopa't tandâ ngayon ng kapangyarihan ng isáng tao sa kapwa tao . Ang puhunan , gaya rin naman ng lupà , ay di dapat arìin ng sínomán na parang sariling - sarili , kundî papakinabangan sa lahát na nangangailangan , sapagka't katulad ng hangin , ng dagat , ng liwanag , ang lupà at ang puhunan ay di maaangkin ng sino pa man : ang lahat ng bagay na iya'y para- parang sa lahat ng tao . Paglitaw ng tao sa ibabaw ng lupà ay maykarapatán nang mabuhay . Anománg kailangan niya't náririto rin lamang sa lupà , ay di dapat pagkasalatán . Ang Kalikasán ó Naturaleza ay mayamang - mayamang hindi sukat magkulang sa pagbuhay sa lahát ng tao . Ang umangkín ng alinmang bahagi ó arì ng Kalikasan , ay pagnanakaw . Ang mag - arì ó sumarili ng anománg bagay na labis na sa kailangan ng kanyang buhay , at kakulangan ng sa ibá , ay pangangamkám at pagpatay sa kapwà . Ang lupà at ang puhunan , ay siyáng lalong - lalo nang hindî maáaring sabihing akin , ni iyó , ni kanyá , kundi atin : sapagka't ang una'y pinaka - punlaan ng mga binhi ng buhay na panglahát , at ang ikalawa'y pinaka - kasangkapan sa pagbuhay ng mga itinátaním ng pag - gawa ng lahát .

Ayon sa sabi niyó , ang pag - gawâ ay parusa , at ang kayama- na'y ginhawa . Bákit may mátatanging guminhawa ay ang parusa'y sa kala hatán ? Nanghahawak kayó sa iniatas ng Maykapál sa tao , na ang iyong kakanin , sa pawis mo mangagaling , ¿ ang salapî baga'y nagpapawis kung pinúpuhunan ? ...

Si Felipe ay mapapatawa ng pabulalás , nguni't pinakapigil- pigil , at upang huwág mápag - itingang lubhâ ng kanyáng tiní- tirháng amáng - kumpíl , ay lumayo sa lupon , at nagkunwâng pumitás ng ilang bunga ng kasóy na dî nálalayo sa kamalig . Nguni't ang iba'y nagkábulung - bulungan din .

–Magpawis ang salapî !–anáng ilán .

–Nagpapawis din nga ang mga pinápasán namin sa hamaka , nguni't hindi paris ng aming pawis na gangabutil ng maís , bago makakita ng anim na sikapat !–anyá sa sarili ng isáng hubád na maghahamakáng nakikinig .

Iba naman ang sabi ni Madlâng - layon . Sa isáng malamíg na ngitî , ay nakapagbirò ng mga salitâng :

–Iyan ang mainam na sálitâan ! Salapi at pawis : isáng matamís at isang maalat . Hindî ngâ magkabagay ang dalawang iyán , máliban na kun gágamitin sa lumpiya ...

Si Don Ramón ay nakapagbigay - loob ng isang ha - ha - há , sa ganitong pahambalang na salita ng kanyang abogado . nagsabi :

–Oo nga , ang salapî kong pinúpuhunan ay hindî nagpapawis , nguni't pinagpawisan kaya naging akin at pinagpapawisan ko pa kaya nakikinabang !

–Hindi ko pô tinútukoy , Don Ramón , ang ganang salapî ng isáng sínomán : ang kalahatan ang ating pinag - uusapan .

–Ang ginawa't ginagawa ko ay siyá rin namang nangyayari sa tanang may salaping pinúpuhunan .

–At ang aking mga pag - aarì – ang saló ni Don Filemón- ay hindi ko ninakaw , kundi minanang malinis sa aking mga magulang , at ngayo'y malinis kong pinangangasiwàan , ¿ alangán ba akong makinabang ?

–Pinagpawisan at minana ! Iisa - isahin ko kayóng sagutín . D. Ramón , samantalang ang pakikinabang ay di lumálampás sa karampatang halaga ng pawis na nagugol , álalaóng baga'y ng pag - gawa ng nakikinabang , ay di pa mabábalino ang Sosya- lismo . Dátapwâ , kailán ma't salapi na ang pinagágawâ , at lakás na ó pawis ng iba ang in úupahan , ay narito na ang panganib ng pagtatamasa ng íisá ó íiláng katao sa gawa ng marami , at nárito na rin ang maraming nagtitiís ng pananalát sa kanilang ginawâ . Hindî inianák ang sínomán upang mabuhay sa pag- gawa ng iba , kundî sa pag - gawa niyá rin . Ang nakagagawa ng sampû ay dapat managano sa sampû , nguni't huwag nang mag- hangád na magkadalawangpû , kun ang sampû pang labis na itó ay mangagaling na sa kamay ng ibang gumagawa at nangánga- ilangan din . Mapagt útulong - tulong ang marami ó ang lahát ng lakás ó pawis sa pag - gawa ng isang bagay na pakíkinabangan ; dapwa't ang marami ó ang lahát na iyán ang maykarapatáng makinabang sa bagay na pinagtulungan . Anopá't kailan ma'y dî matwid na managano ang kahi't sino sa pawis ng may pawis .

–Pawis ng may pawis na binabayaran ! –ang panabáy ng dalawá ..

–Kung inúupahan man pô ang pawis ng isáng mangaga wà , ay dî masasabing lubos na natútumbasán na ng upa ang kanyang mğa nárarapat pakinabangin sa ginawâ . Ang salapi ay dî maaaring makatumbás ng pag - gawa saán mang gawâang ang naghahari'y takaw ng mámumuhunán sa malaking pakinabang . At gaano na ang mga kasalukuyang upahán ? Násasabing nag- ibayo at nag - makáipat pa ang inilakí ng mga upahán sa panahóng itó ng amerikano , kaysa panahon ng kastilà ; nguni't parang wa- lâng kabuluhan na sa nangagsasabing iyán ang pagkakásampung ibayo naman ng halaga ng mga ikinabubuhay ó kailangan ng nagpápaupá .

Karaniwan na ngayon ang piso maghapon . Sa halagang piso ang boông kalayaan at karapatán ng isang tao ay nabíbilí na araw - araw ng isang maysalapî . Piso lamang araw - araw ang halaga ng buhay ng isáng mag - anak ! Sa pisong iyán man- gagaling ang kákanin ng isang asawa , ng mga anák na marahil ay hindî iisa lamang , kundî tatló , apat , limá , at may waló - waló pang nag - aabot sa kaliliitán at di pa maasahang gaano ng pagtulong . Diyán mangagaling ang mga dadamtín niláng lahát . Diyán din ang bahay at dilang kasangkapan sa pama-mahay . Diyán ang mga buwís , ang panglíbangan at lahát na . Sa pisong iyán ang isang asawa'y nálalayô ng maghá - maghapo't magdá - magdamag sa pagmamahal ng kabyák ng pusò , natítipíd sa paghalík sa mga bunga ng kanyang pag - giliw , at dî bíbihirang hindî man makadaló sa isáng magulang , sa isang kapatid ó ibá pang pinakaíirog ng buhay na naghihingalô ó dináratnán ng anopamáng kapahamakán . Ah , ang nagagawa ng upang iyán ! Ang kapangyarihan ng salapi ! Saán dî habang dumá- rami ang salapî at ang masalapî ay nag - iibá - ibayo namán ang pagkapal ng mga taong nawawalan ng lalòng mahal nilang kara- patán sa buhay : ang kalayaan at pag - ibig . Tumbás na kayâ ang piso sa maghá - maghapong ganitó ? Sapát na kaya ang upang iyán sa hirap at mga pangangailangan ng isang manga- gawà , ng isang taong - bayan , ng isang mag - anak ? Mabuti pa ng mabuti kung laging may napapasukan ; ¿ at kung walâ na siyáng madalás at karamihan ? .... Talaga , talagá pông malinaw na ang salapî'y tandâ lamang ng kapangyarihan ng tao sa kapwà tao , at di kailan man ng pag - gawâ !

Habang sinasalitâ itó ni Delfín ay títigók - tigók ang laway ng dalawang matandâ , na minsan pang magkápangagaw ng pag - úunahán sa pagsabát sa mánunulat ; dátapwâ't nápapauntól , dahil sa ito'y patuloy ng patuloy na dî napapípigil sa kanilá . Si Morales namán at si Pepíng , ay walâng náririnig halos sa mga pagkakániigang iyon ng sálitâan . Ang kinániniigán ng kaniláng mga mata ay ang panakáw - nakáw na pagtanáw , mulâ roón , sa mga siwang ng salá - saláng bakod ng mga páligûán , na kinási- silipan ng mga kilos at pananamít ng mga dalagang nagsisipaligò . Ang ibang nakikinig ay maykaní - kanyáng búlungan namán at pasya sa mga pinagtatalunang bagay .

–Bukód pa sa rito – idinugtóng ni Delfín – sinasabi lamang na tayo'y nahangò na sa pagkaalipin , salamat sa mga dugông náibubô ng ating mga dakilang bayani ; dátapwâ't marami sa mga maysalapi ang di nakatátalós ng kung ano ang kahulugáng lubós ng salitang pag - alipin . Ngayo'y nagagalit ang mayayaman kung walâ siláng mapagkuháng alilà ó utusán sa bahay na gaya ng dati . Naging palalò raw ang mga " taong - parang " at ang mahihirap , na marami na ang nangagtítiís ng gutom , huwag lamang máturang napaalilà . O kung mga alilà na'y naging mararamdamin daw pagsalitán . Dátapwâ't ¿ gaano na ang hangá ngayo'y pinaíiral pang kabayarán sa mga sawîng palad na nána- sok sa ganyang karumal - dumal na hanap - buhay ? ¿ at anó - anó ang ipinagagawa sa kanilá ? Libo - libo ang maíisá nating mayayaman , na ang ipinagkasalapî ay ang pag - aalilà . Dalawá , apat ó ilán ni- to'y kanilang kinukuha kun saán - saán , madalás ay alók na kusà ng mga tunay na ring magulang upang maglingkód at bayaran ng apat , anim , waló ó labing dalawang piso isáng taón , habang hindi natatapusan ang dalawangpû , limangpû ó isáng daáng pisong inutang . Madalás na ang paninilbihang ganito ay pinag- hahálinhinan pa't pinagmamana - manahan ng magkakapatid , magmamagulang ó ng boông mag - anak . Ang sampung pisong utanğin , lumálagông parang kalabasang - pulá at habang naka- bábasag ng kahi't anóng kasangkapan ang alilà , habang natátakot ó nakalilimot ang magulang na pinautang , ay nagkákabuhay ng sa pitong - kuba namán ang tinurang halagá .

Ipinangangako ng panginoong paráramtán ang alilà , hindî sapagka't hinahakà niyang ang lahat ng tao'y di dapat maghubád ó manglimahid , kundi sapagka't ibig na huwág marumí ó pangit sa pagsisilbí sa kanyá . At salamat kung itó man lamang ay ipagkátatló ng bihisan ng mga alipin . Kákasundûín sa munting upa , sa pangakong may pakain , at kung minsan pa'y patúturùan ; nguni't ¡ anóng pakain , at anong pagtuturò !

–At anó ba ang ibig mo – ipinatláng ni Don Filemóng dî na totoong makatiís – kastilain ba ang alilà ?

–Hintáy ka , Delfín – ang pigil namán ni Don Ramón.– Nag - aral ka ba ng Istorya ? .... Nabasa mo ba kung paano ang pag - aalipin sa bayang romano , na iná ng lahat ng sibili- sasyon ? ....