Ang Sulat sa mga Hebreo
Kabanata 1
[edit]1 Sa iba't ibang panahon noong una, ang Diyos ay nagsalita sa ating mga magulang sa pamamagitan ng mga propeta,
2 Ay nagsalita sa mgahuling araw na ito sa atin sa kaniyang Anak, na siyang itinakda niyang tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan din niya ginawa ang mga sanlibutan; 3 Na siya bilang kaningningan ng kaniyang kaluwalhatian, at ang ganap na anyong kaniyang persona, at nagdadala ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salitang kaniyang kapangyarihan, nang malinis sa pamamagitan ng kaniyang sarili ang ating mga kasalanan, ay umupo sa kanang kamay ng Kamahalan sa kaitaasan 4 na naging higit na mas mabuti kaysa mga anghel, gaya ng kaniyang nakamtan sa pamamagitan ng pamana ang isang higit na magaling na pangalan kaysa sa kanila. 5 Sapagkat kanino ba sa mga anghel niya sinabi sa alinmang panahon, lkaw ang aking Anak, sa araw na ito ay 1pinanganak kita? At muli, Ako ay magiging isang Ama sa kaniya, at Siya ay magiging isang Anak sa akin? 6 At muli, nang dinadala niya ang unang-ipinanganak sa sanlibutan, ay sinasabi niya, At hayaan ang lahatng pamamagitan ng mga anghel ng Diyos na sambahin siya.