Ang Mga Labi Mo
Appearance
Ang mg̃a labi mo ay dalawang lang̃it,
Lang̃it-na di bughaw, ni lang̃it ng̃ hapis,
Labi ng̃ bulaklak na kapwa ninibig
Labing mababang̃o, sariwa’t malinis.
Labi ng̃ sampagang may pait at awa,
Tipunan ng̃ pulót, tamis at biyaya,
Sisidlang ang lama’y kabang̃uhang pawa,
Pook na tipanan ng̃ hamog at diwa.
Tagapamalita ng̃ lihim ng̃ puso,
May oo at hindi, may tutol at samo,
May buhay at palad, may tula’t pagsuyo.
Ang̃ mg̃a labi mo’y may pulót na tang̃i
Kung iyan ang aking pagkaing palagi’y
Talo ko ang lahat, talo ko ang Hari.
This work is first published in the Philippines and is now in the public domain because its copyright protection has expired by virtue of the Intellectual Property Code of the Philippines. The work meets one of the following criteria:
|