Banaag at Sikat/Paunawa

From Wikisource
Jump to navigation Jump to search
Banaag at Sikat (1906)
by Lope K. Santos
353013Banaag at Sikat1906Lope K. Santos

PAUNAWA

HINDI lihim sa kaibigan kong Lope K. Santos , na ako'y di lubhang sang - ayon sa nilalayon ó ináadhika ng BANAAG AT SIKAT . Mula pa nang mapuná ko ang pakikipagtalo ni Delfín at ni Felipe kay Don Ramón , sa " Batis ng Antipulo " ; ay akin nang nasabi sa iláng kamánunulat sa wikàng tagalog , na , sa ganang akin , ay totoong napaka- sulong ó totoong napakaaga ang " pamamanaag at pagsikat " ng nakákapa- sòng init ng " Araw ng Sosyalismo " dito sa mga bayang silanganan . Ang lahát ng ito ay pawàng talastás ng aking kaibigan .

Dátapwâ't ¡ isáng kataká - taká ! walâng nápilì , walâng nápitang hingán ng kaunting pagod , upang málagdâán ng Paunawa ang kanyang BANAAG AT SIKAT , máliban na sa akin . Dahil dito'y sumilíd sa gunam - gunam ko na wala ngâng makakapangahás sumulat ng BANAAG AT SIKAT kung di si G. Lope K. Santos . Karaniwang ugali ng mğa mánunulat ang pumili ng isáng bunyî at lantád na ginoó upang lagyan ang isang katha ng isá namang pau- nawang ipagkakapuri ng kumathâ Si G. Lope K. Santos ay lumihis sa dati ó lumà nang tuntuning iyán , at siya'y lumihís , marahil , sapagka't ang BANAAG AT SIKAT ay ibang ibá sa “ mga aral at sulit , mulâ pa sa utus ni Moisés " , kung dito rin lamang sa Sangkapulûáng Pilipinas . At dahil dito namin , nang malubús ang kabaguhan ng palakad , pinili niya't pinakiusapang magbigay paunawà , akóng maramut magkaloob ng walang wastông papuri .

Tútupdín ko ang pangakò , pangakòng matibay na isiwalat ang boông katotohanan , - -sa sarili kong pagmumuni - munì - na mápupuná sa BANAAG AT SIKAT.

Nápansin ko agad ang pangalan ng kathâ . Pagkábasa ko na ng una pang lathalà ó labás sa páhayagáng Muling Pagsilang , ay naalaala ko ang maraming banság na kathâ namán sa Europa , katulad ng Aurora Social , Aurora Roja , Trabajo atb . , sa makatwíd , ay ipinalagay kong may inihahayag na ritong " salitang - kathâ ” ó novela , na bagong - bago ó di pa kilalang gawin sa kapilipinuhan : ¡ Novela Socialista !

Dî ako nagkamali . Ang BANAAG AT SIKAT ay isang pagbubukáng liwayway ng " Araw ng Sosyalismo " , dito sa Pilipinas . Ang anománg aklát ay isang pagkain ng pag - iisip at damdamin , na iniháhandóg sa mangbabasa , at palibhasa'y bagong pagkain ang BANAAG AT SIKAT , akin munang pinag- malas - malas , sakâ tinikmán , tuloy nilasa at pinakirandamán sa aking sarili at sa ibang mangbabasa , kung nakakabusóg at dî namán nakakasirà . Ang kawikàán ko bagá'y dî ganóon ganoón lamang ang maghayág ó kumathâ ng isáng sálaysaying sosyalista . Kinákailanga'y bihasá at matalinong pilésopo , masurì at mawilihín sa Istorya , at lalò pa sa lahát ng bagay na itó , kailangang ang kumakatha'y maykabatiráng ukol sa pasulok - sulok ng buhay , pag- uugali at pangangailangan , una una , ng sangkatauhan , ikalawa't higit pa , ng bayang kináaaniban ng mánunulat . — ¿ Ang lahát na hiyás na ito ng pag- iisip , ay mapapanood kayâ natin sa BANAAG AT SIKAT ? Kayó , mga mang- babasa , ang bahalàng magmasid at magkurð - kurò . Walâ akong ipahahayag kung di ang sarili kong palagáy , palagay na imbí sapagka't bunga ng kaunti kong kaya .

Mahusay at maliwanag ang pagkakalathala ng mga buhay - buhay at sálitâín sa bawà't bahagi ng kathâ ; dalisay ang mga pangungusap ; maayus ang pagkakapanig ng mga tugmâng ukol sa mga personahe . Bawa't bahagi ay nasáзabugan ng masasamyông bulaklák , ng maaayus na pananalitâ , at nahihiyasán ng mahahalagang pagkukurò at pagninilay - nilay . Sa akala ko , ito'y isang halimbawàng ipinakita ng kumathâ , at dapat tularan . Ang BANAAG AT SIKAT ay hindi masásabing isang pagkakátagnî - tagnî lamang ng sari - saring sálaysayin ; hindî ngâ , ang bawâ't bahagi niyá ay isáng pamukaw ng damdamin at paliwanag sa isip , kayâ ngâ't dî nag- kásiya ang kumathâ na pawilihin lamang ang mga mangbabasa sa mari- rikít na pananalitâ , 6 sa pagsasalaysay ng mga maligayang udyók ó handóg ng buhay , kundi naman iniháhanay ang mga mahalagang súliraníng dapat litisin at bigyang pasiyá upang maging palátuntunang dapat sundín sa ikapagtátamó ng lalòng maginhawa , kung di man ng maligayang pamu- muhay .

Isang bagay , sa akala ko , ang nakalingatán ng kumathâ . Wari'y sa pagkawili niya ng labis sa mga bago at maririkít na damít at hiyás niná Delfín , Felipe at Meni , ay dî pinakabuti ang pagbanháy sa kaní - kaniláng pagkatao at katáyûan . Nakákaligayang malasin ang karangalan ng ugali at kadakilaan ng mga damdami't pangangatwiran ni Delfín at ni Felipe , dátapwâ't dî ipinaliwanag na mabuti sa atin ang kanilang inugalì pagkabatà na't magkaroon ng pag - iisip , hindî ibinalità sa atin ang katutubong hingíl ng kanilang mga nasà , ang kanilang pinag - aralan at ang mga iba't ibang pagkakasigá - sigalót ng buhay ng isang tao upáng mápanibulus at matutong gumawî ng di karaniwang mámalas sa mğa kinákasama . Dahil dito'y pag- katapus purihin ko , sa aking loób man lamang , ang pagmamatwíd ni Delfín kay Don Ramón at kay abogado Madlâng - layon , ay dî ko maabút isipin kung anóng kababalaghán ang nangyari , at ang isang dukhâ - bagama't periodista at nag - aaral ng Derecho - at bagong - taong nakakáibig sa isáng bathalà na ng dilág ( si Meni ) , ay makapangahás magsalitâ sa isáng kagalang- galang na ginoó , mayamang amá ng kasi at sintá , ng balá - balaking matata- pang at matutulis na pangangatwiran , katulad bagá ng sabihing :

" -Hindî pô akó - anyá - ang una - una lamang nakapagsabi ng ganyán , " kundi ang pantás na si Goethe , nang isulat niya ang sagutan ng isáng " maestro at isang alumno , tungkol sa boông pinagmulán at kasaysayan ng " yaman ó pag - aarì .

" Itinanóng , daw , ng nagtúturd : - ' Turan mo , ¿ saán galing ang kaya- " manan ng iyong amá ? —Sa amá pô ng aking amá ' , itinugón daw ng nag- “ áaral .— ‘ At ang sa amá ng iyóng amá ? —Sa amá ng amá ng aking amá.— " At ang sa amá ng amá ng iyóng amá ? -Ninákaw pô …… .. '

Ganoon din namán , si Felipe ay námulat sa kaginhawahan at kabun- yiáng handog ng kayamanan ; ngunì't nahigitán pa niyá si Delfín sa paglalat- halà ng nilalayon ng Sosyalismo ; si Felipe , na anák ng mayaman , ay siyáng mahigpit na kaaway ng kayamanan .

Nároón na rin akó sa katwiran na ang nobela ay nagsásalasáy ng isáng kabuhayan na dî man nangyari ó nangyayari , ay dî namán maliwag mangyari ; nğunì't katungkulan ng nobelista ang kathâín yaóng mğa pagka- kátaón na nagiging sanhîng malakí ng ikapangyayari ng kinákathâng buhay .

Bagama't , kung sa tayô ng araw , ang buhay ko'y untî - untî nang lúlubóg at lilisanin ang masayáng hálamanán ng pakikipagsintahan , ang pusò ko , wari ay napúpukaw ng mapanintáng mga sálitâan ni Meni at ni Delfín , noóng gabing palarin siláng tulungan sa gloryeta ng DILIM , upang magkábuhól ang kanilang kapalaran na dî namalas ng balawís na paningin ni Don Ramón . Nguni't labis sa galák ng aking pusò ang pagsurì ng aking mapansining baít ; kayâ't dî malirip kung anong dahilá't si Meni , na may hiyás ng kagandahan , kayamanan , katalinuhan , karanĝalan ; si Meni , na sukat mákita sa kasing - urì ang pagka - Adonis ó pagka - Narciso ng isáng periodistang pilipino , lakí sa hirap , ay ... mátutong maging Julieta ng isáng Romeong nagkatawang - tao at pinanganláng Delfín ... Oo na nga't ang pagsintá'y bulág , nguni't kai- langang ipakita ang pagkabulag at ipatantô ang ikinabulag ni Meni . Bukód sa rito , kung si Delfín ay likas na sosyalista , bago niyá mákilala , bago pag- nasaang pintuhùin ang isang Meni ay háhanapin na muna ang kapalaran sa kinálalagyan ng isáng Tentay , na kasi at sintá ni Felipe .

Ang ibig kong sabihin , ay malabò ang pagkakápintá sa mga personaheng Delfín at Felipe , at dapat magkáganitó , sapagka't ito'y dalawang tipong hindi pa natin nákikilala sa Pilipinas . Saksíng pagkatotoo ng palagay kong itó , ang mahusay at ganáp na pagkáyarì sa mga personaheng Don Ramón , Madlâng - layon , Don Filemon at Ñora Loleng , sapagka't ang mga tipong ito'y talagang mga buháy sa kapisanang pilipino , na , sa aking pagkápuná , ay totoong pinagmasdán at inusig ng kumathâ ng BANAAG At Sikat .

Sinabi ko na . Ang ipinagkaganitó ni G. Lope K. Santos ay sa pagka- hilig ng kanyáng loób sa mga bagong munakalà . Bukód sa rito , dapat nating isipin na ang BANAAG AT SIKAT ay isáng ( tendencia ) nilálayon , munì- muni ó panagimpán ng isang anák - bayang uhaw sa kalayàan at katwiran , na bábahagyang ganapin sa mğa sinupil ng yaman at puhunan .

Hangang dito ang masasabi ko sa biglâng pagmamalas sa bagong bunga na inihahandog ng kumathâ : marikít , mabanĝó at wari'y ikabúbusóg .

Maaaring ikabusóg , maáarì namáng ikamatay . Palibhasa'y di pa bihasa ang ating bayan sa Sosyalismo , kailangang huwág bíbiglâín ang pagkain ng lamán ng BANAAG AT SIKAT . At dapat kilanlín , limihin at pag-aralang kanin , sapagka't katulad ng sabi ni Felipe'y : " saán man may mámu- “ muhunán at mangagawà , may maylupà at magsasaka , panginoón at alilà , ' mayaman at dukhâ , ang mga aral ng Sosyalismo ay kailangan ; sapagka't " diyán kailan man namúmugad ang pagkaapí ng mahihinà at pagpapasasà " ng filán sa dugô ng karamihan ....

Ang pinaka - ubod ng Banaag AT SIKAT ... ¡ ah ! totoong mapaklá , hindî wari bagay sa ating nğalá - ngalá . Sa dakong hulí ay sinasabi ni Felipe : " ¡ ah ! sapagka't sa tibay ay lakás lamang ang makapag - gúguhô . Sa kapang- " yarihan ay kamatayan lamang ang makasúsupi !. Kaya ang mga harì , " ang mga pangulo , ang mga punò ay sinusunod ng buô - buông bayan , ay " sapagka't mayhawak siláng lakás ng kapangyarihan : makapagpaparusa " sa sumusuway . Kayâ makunat baguhin ang masamang samahán ngayón " ng Sangbá - sangbayanán , ay dahil sa pagmamatigás ng mga pámunùán …… .. ' Sa aking sarili , ang mga aral at pangungusap na itó ni Felipe ay dapat ipahatid sa Rusia . Sukat na ang balità sa atin , subalì pa nğâ't ang sabáy at huling pasiyá ni Delfín at ni Felipe ay " iwan nati't palipasin ang Dilim ng Gabi " .......

Palipasin ang dilim ng gabi ! Ito ay isang malaking katotohanan at mahalagang katwiran . Sayang ang tayo'y maglakád , kung dahil sa kadiliman ng gabi , ay di natin mátutuhan ang landás . Tayo muna'y mag - isip - isip bago ikilos ang kamay at paá . Ang anománg malalaking bagay na nangyari ó ginawâ ng isang bayan ay nagbuhat muna sa isang pagmu- munakalà . Bago dumating ó magkatawang - tao si Hesukristo ay .... ginanap muna ang paglalathalà ng mga propeta . Bago natin mákamtán ang mga iláng biyaya ng kalayàan , ay pinukaw muna ang ating damdamin at binuksán ang ating pag - iisip ng mga mahalagang lathalà ni Rizal !

Sang - ayon ako sa palagay ni Delfín na " ang Sosyalismo .... ay isang " daán ó landás lamang na lalong maaliwalas at matwid , kaysa kasalukuyan “ nating nilálandás . ” Sakalì man na ang Sosyalismo ay matwid at maali- walas na landás , humimpíl muna tayo : kailangan muna ang maliwanag na ilaw ng ating pag - iisip at kailangan din naman ang sariling lakás , upang makatagal sa paglakad . Ang ilaw na lubhâng kailangan nati'y ang pagkilala sa tunay na katwilan . Ang pag - iisá , pagdadamayán , pagtitinginan at pag- iíbigan , ang siyáng tunay na lakás . Yamang malimit bangitín ng kumathâ si Juan Grave , mangyayari namáng ilagay sa bibig ng matimpîng loob ni Delfín , ang isang pananagót sa mapusók na si Felipe . Ganitó : " Siyá na ang kapangyarihan ng karunungan , siyá na rin naman ang dahás ng kalá- kasan . Ang taong marunong ay may kautangan sa kapisanan . Ang taong marunong ( ganoón din ang mayaman ) ay dî dapat humigit ng pangangaila- ngan , kaysa mahirap . " At dugtungán pa natin ng ganitong sabi : " Lahát ay maykatwirang humanap ng ikagíginhawa , lahat ay bahagi lamang ng kapisanan : ang malakás ay tumulong sa mahinà , ang marunong ay mag- : turò sa mangmáng , nang ang lahat ay tumamó ng kaginhawahan . Kapág ang karunungan at kayamana'y ipinagkaít ó ipinagmalakí ng íiláng mapa- palad , libo - libong mahirap ang manghihimagsik."

Mğa anák - bayan , mga mangagawà , basahin ninyo ang Banaag at Sikat at malasin kung tapát na sa inyóng loób ang bagong landás na kanyáng itinúturò sa inyó . Kung sakali at minámagalíng , hanapin ninyó at gamitin ang liwanag ng katwiran .

Mğa marurunong , mga mayayama't may - impók na pag - aarì , basahin din naman ninyo ang BANAAG AT SIKAT : dito ninyó mápapakingán ang kalunos - lunos na daíng ng mahihirap . Kung kayó ang dahil ng kanilang makamandag na damdamin , huwág ipagkaít , madaling igawad ang kauntîng unas na taglay ng labis - labis ninyong kaginhawahan .

Huwag katwiranin , nino pa man , na walâ pa sa panahón ang pananim ng BANAAG AT SIKAT . Sinásabi sa Florante na :

" Kung maliligò ka'y agad nang áagap nang di ka abutin ng tabsíng ng dagat . "

Noóng taong 1902 , nang binabalak pa lamang ang pagtatatag ng Kapi- sanan ng mga mangagawà , ako'y nápapamaáng at sinasabi ko rin na dî pa panahón ; nguni't nákikita na natin ang mga nangyayari . Náragdagán na ang upa as mĝa mangagawà , marunong na siláng magsitutol , malimit na ang aklasan , may kapisanan na silang maayus .

Ang mundo'y lumálakad, ang sabi ng isang pahám . Dahil dito'y dî mápapawaglit ang Pilipinas sa kilos at paglakad ng Sangkatauhan . Kailan ma't inilathalà ang mga pangaral , walâng sala at sísibúl ang mga damdamin . Ang mga manunulat ay di na nasisiyahan sa pagsasalaysay ng mğa palá- sintahan lamang . Ngayón , bawa't kathâ ay may nilalayon ó tinútungo na mahahalagang bagay . Lumipas na ang panahón ng Mil y una noches ; dî na lubhâng pansín siná Escrich , Dumas , atb . Ngayo'y kapanahunan niná Zola , Tolstoy , Baroja , Kropotkine , Grave , Marx , Reclus , Antich , Malato , Bakounine . .....

Namámanaag na ang Sosyalismo . Kung kailán itó lálaganap sa kapili- pinuhan , ay di pa natin masásabi , at dî namán itó sukat pagtalunan . Ang di natin maipagkákailâ ay totoong kumákapál ang bilang ng mga dukhâ , at saan ma'y itinátatág ang kanilang kapisanan ng mga mangagawà .

May nagsasabi - parte interesada - na ang BANAAG AT SIKAT ay parang isáng lasong inihalò sa pulót , upang marapating lasapín at lunukín ng mga anak - bayan . ¿ At sa anóng dahil ? -Anyá'y ikagúguló ng bayan , ikapáparam . ng kapayapaan . Ito'y maling akalà at pagpapalagay na walâng wastô , Dapat ipabatid sa mga mangagawà ang lahát ng bagay at pangaral na nasá- saklaw sa Sosyalismo . Ang masama'y papanatilihin ang mga taong - bayan sa kamangmangán , sapagka't kung magkáganitó , ay padádalá sa mğa tam- palasang udyok ng mga mapagpangáp na mánunubús . Ang mga taong- bayan , sa ganang sarili nilá , ay maibigín sa kapayapaan . Ibig nilang mabihis sa kahirapan ; nguni't hangáng makafilag , ay lumálayo sa sígalutan .

Sa madaling sabi : ang BANAAG AT SIKAT ay maáarìng huwarán ng mğa mánunulat ng nobelang tagalog , tungkol sa maayus at magaáng pagsasalay- sáy , ganoon din sa pagkakatníg ng punò at dulo ng salita . Ang mga bahaging " Sa batis ng Antipulo " at " Sa isáng Pásulatán " , ay mapagkukunang halimbawa ng mabuting pagsasalaysáy , bagama't maminsan - minsa'y may- mápupunang salitâng anaki'y lagdâng kastilà , katulad ng sinasabi sa bilang 65 , bahaging ika V , na ganitó : " Huwag kang matakot : higit kailán ma'y " ngayón máipakikita sa akin ang tunay mong pagdamay sa dináramdám " ko . " Marahil akó ang námamalî ; nguni't ang karaniwang bigkás natin ay ganitó : “ Ñgayón ko lamang mákikita ang iyong pagdamay at tunay na pagdaramdám . " Ganoón man , ang mga kabiglaáng ito'y maipalálagáy na dahon ng maririkít at mababangóng bulaklák .

Dapat ding tularan ang adhikâ ni G. Lope K. Santos na hiyasan ang bawa't bahagi ng mga pagkukurò at pagpapalagáy , upáng máwatasan ang tinútungo ng salita . Walâng pakikinabangin sa isáng sálaysaying walang ibinabalità kung dî ang mga nangyari : dapat bigyán ng kahulugán ang nangyari , ihanay ang katwiran kung bakit nangyayari at ipahalumatyág ang mangyayari . Kung payák na palásintahan lamang ang mapupuná ; kung wala nang gagawin kung di magsalaysay ng buhay na katuwâ - tuwâ , 6 dili kaya'y kágulat - gulat , ang katulad nati'y naghéhele lamang sa isáng sangól .

May palagay akó na sa ibáng OBRA ay ipakíkilala pa ni G. Lope K. Santos na siya'y mabuting retratista ng kanyang mga personahe . Tila mandín kailangang tularan niya ang ginagawa ng mga dakilang Maestro na gaya ni Zola : siyasatin at panooring mabuti ang buhay , bago isulat ang ibúbuhay .

Ang BANAAG AT SIKAT ay panganay na anák ng nobelista . Magandáng tindíg , at matalino . Kulang pa lamang ng pagkilala sa lakad ng panahon at tinútungo ng Sangkatauhan . At ang lalòng mabuti sana'y isilíd sa puso't pag - iisip ni Delfín at ni Felipe ang tunay na damdamin ng Ináng - Bayan : ang maging nasyong malayà't maykasarinlán .


Maynilà , Disyembre , 1906 .
Macario Adriatico